Agad ang paglukob ng kaba sa dibdib ni Brianna nang bigla ay magpreno ang sasakyang kinalulunaran nila ni Alejandro. Hindi niya pa man alam kung ano ang dahilan ng biglang pagtigil nila ay nakarinig na siya ng sunod-sunod na pagputok. Patungo sila sa bahay ng kanyang Tiyo Orlando at Tiya Nimfa para sana kausapin ang mga ito. Somehow, she was glad that Alejandro agreed to go and visit her family. Hindi pa sana nito nais na pumayag ngunit iyon ang hiningi niyang kondisyon kung nais man nitong sumang-ayon siya sa ideya nitong magtungo sa ibang bansa. Hindi naman niya nanaising umalis ng Pilipinas nang hindi nalalaman ng kanyang pamilya. Sa kabila naman kasi ng lahat ay alam niyang maghahanap sa kanya ang mga ito. Idagdag pa na gusto niya rin munang makita si Kristy bago siya umalis. She wa