Nahinto sa pagsipat sa kanyang hawak-hawak na baril si Konstantin nang matanawan niya ang pagdating ng ilan niyang tauhan. Nang makita siya ay agad na lumapit ang mga ito sa kinaroroonan niya at sadyang nagbigay pa ng magalang na pagbati. Si Gatsan ang nasa pinakaunahan at siyang nahihinuha niyang magsasabi sa kanya ng kung ano mang dalang balita ng mga ito. Nag-utos siya na magmatyag sa bahay kung saan naroon ang kanyang ama at kapatid. At kung ano man ang nalaman ng mga ito ay nakadarama siya ng antisipasyon na marinig agad. Kasalukuyan na ring pababa ng hagdan ang kanyang Uncle Dmitri na alam niyang nakita din ang paparating na sasakyan ng kanilang mga tauhan. Dahilan iyon para agad din itong mapalapit sa kanya. "Ano ang balita?" usisa niya sa seryosong tinig. Isa-isa niya pang tinap