Dumating ang araw kung kailan idinaos ang taunang outing at team building ng mga empleyado ng Villarica Biscuits Factory. Dahil sa paisang taon pa lamang si Brianna sa nasabing pabrika ay iyon ang unang beses na makakadalo siya sa ganoong aktibidad nito. Sa mga nakalipas na taon, ayon sa mga empleyadong matatagal na sa VBF katulad ni Jia, idinadaos ang team building sa ilang resorts na si Mr. Villarica mismo ang pumipili. Ngunit ngayong si Alejandro na ang namamahala ng pabrika ay ang kanyang asawa ang nagpasya kung saan sila dadalhin. And Alejandro chose the resort in Tagaytay where they spent an overnight with Alexander. Dahil sa pag-aari iyon ng kaibigan nito ay naging madali ang access nila sa lugar. Sabado at Linggo ang mga araw na inilaan para sa naturang event. Lahat ay excited a