"Alejandro..." sambit ni Brianna sa pangalan ng kanyang asawa habang naglalakad na silang dalawa. Hawak nito ang kanyang palapulsuhan at tuloy-tuloy sa paghakbang palayo sa lugar kung saan naroon ang mga kasamahan niya sa pabrika. Dire-diretso si Alejandro hanggang sa marating nila ang beach house kung saan nakatakda ding manatili ang mga empleyado ng VBF. Nang minsang nagpunta sila roon kasama si Alexander ay doon din sila nanatili. Tatlong palapag iyon. Bawat palapag ay may tig-wawalong silid. At ngayong inaakay siya sa paglalakad ni Alejandro ay ang ikatlong palapag ang tinatahak nitong puntahan. "Alejandro..." tawag niya ulit sa pangalan nito. "Shut up, Bria," anito nang hindi man lang lumilingon sa kanya. Nang marating nila ang isang silid ay agad iyong binuksan ni Alejandro at i