Hindi pa man napapatay ni Alejandro ang makina ng sasakyan nito ay binuksan na ni Brianna ang pinto sa may panig niya. Mas nauna siyang lumabas ng sasakyan kaysa sa asawa niya. Agad na iginala pa ni Brianna ang kanyang paningin sa kabuuan ng lugar na pinagdalhan sa kanya ni Alejandro. Nasa isang villa resort sila sa may Bulacan. Ilang minutong biyahe lamang iyon mula sa pabrika. Malaking bahay ang nasa harap nila ngayon na ang disenyo ay katulad noong mga panahon pa ng Kastila. Sa ilang taon na paninirahan nila sa lugar na iyon ay naririnig na rin niya ang tungkol sa naturang villa. Ayon sa mga nalaman niya ay isang mayamang pamilya ang nagmamay-ari nito. Nang mamatay ang padre de pamilya ay nagdesisyon ang mga anak nito na lumipat kasabay ng pag-convert ng bahay sa isang villa resort k