"I am asking all of you, what is happening here?" ulit ni Alejandro sa tanong nito sa mariin na tinig. Pinaglipat-lipat pa nito ang paningin kay Carmela, Jia at sa kanya. Sa kanilang tatlo ay sa kanya pinakanagtagal ang paninitig ng kanyang asawa. Agad siyang nagyuko ng kanyang ulo. Hangga't maaari ay hindi niya gustong makahalata ang mga kasamahan niyang nasa loob ng canteen. Nakatutok na kasi sa kanila ang mga mata ng lahat ng taong naroon. Lalo pa silang nakakakuha ng atensyon dahil sa biglang pagdating ni Alejandro. "Wala bang sasagot sa tanong ko?" mapanganib pang usisa ng kanyang asawa. "Eh, k-kasi si Sir..." kandautal-utal na wika ni Jia. Napapalingon pa ito sa kanya nang magsalita. Brianna wanted for Jia to stop talking. Kung maaari lang ay huwag na nilang banggitin kay Alejand