Matamang pinagmamasdan ni Brianna si Alejandro habang walang malay itong nakahiga. Kasalukuyan na silang nasa loob ng silid nito. Alejandro was lying down on his bed while she was sitting beside him. Nang mapaluhod ito sa kanyang tabi sa daan dahil sa tamang natamo ay halos makadama siya ng pangamba para sa kaligtasan nito. That bullet was supposed to be for her. Siya ang nasa harapan nito at kung hindi lang pinagpalit ni Alejandro ang kanilang mga posisyon ay siya dapat ngayon ang nasa kalagayan ng kanyang asawa. But Alejandro saved her. Kung bakit nito iyon ginawa ay hindi niya alam. Maybe because he knew she was carrying his child. Iyon lang ang nakikita niyang rason para isalba nito ang buhay niya. Nang magsusumigaw siya kanina ay agad silang nilapitan ni Lemuel at katulong ang isa