THREE YEARS LATER: Nagmamadaling sinalansan ni Brianna ang mga kahon na naglalaman ng ilang pack ng biscuits. Tapos na ang oras ng trabaho nila ngunit dahil sa hindi niya pa naaayos ang mga iyon ay itinuloy niya pa rin ang kanyang ginagawa. Tuwing alas-singko ng hapon ang labasan nila sa pabrikang iyon na pagawaan ng kilalang biscuits sa bansa. Ang tanging gawa niya lamang ay ang magsalansan ng mga naka-plastic nang produkto sa loob ng mga kahon. Kapag selyado na ang bawat kahon ay iyon naman ang ilalabas ng pabrika upang dalhin na sa merkado. Halos mag-iisang taon pa lamang siya sa pabrikang iyon na matatagpuan sa Bulacan. Napakarami nang nagbago sa buhay niya sa loob ng mahigit tatlong taon. Matapos ng mga nangyari ay sa lugar na iyon niya natagpuan ang kanyang sarili para nagsimula u