CHAPTER 44 Nagising ako sa malalakas na katok ni Ate Josie rito sa labas ng kuwarto. Tinakpan ko na lang ng unan ang aking tainga dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko, pakiramdam ko tuloy ay para itong binibiyak. Napilitan na lang akong pagbuksan siya dahil alam kong hindi na naman niya ako titigilan. Nang pagbuksan ko na siya ay muli akong humiga at tumalikod sa kaniya. Naramdaman ko naman ang pag-upo niya sa gilid ng kama at wari ko’y may gusto siyang itanong sa’kin. “Hoy Trining! Ano na namang drama iyan ha? Parati ka na lang nakakulong dito sa kuwarto, lagi ka ring nakahiga. Lumabas ka naman at isa pa may pageant ka ngayon ‘di ba?” Marahan akong humarap sa kaniya at pansin ko ang pagka-seryoso sa kaniyang mukha. “Wala akong gana Ate Josie, at isa pa pagtatawanan lang ako sa pagean