Pagkapasok namin sa loob ng golf club ay sinalubong kaagad kami ng isang empleyado roon at iginiya niya kami kung nasaan ang ibang mga business associates ko. Binati naman nila ako at ang isa pa ay napabaling ang tingin kay Trinity kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Mr. Montealegre, hindi mo naman sinabi na may kasama ka pa lang magandang babae. Who is she?” tukoy niya kay Trinity. He is Mr. Caballero and I know him very well. He was reported when he harassed a student and was imprisoned but because he was a wealthy businessman, he was acquitted and the woman he harassed was paid by him. “She’s Trinity Algaser my__” “Oh I see!” Putol niya sa aking sasabihin. Lumapit pa siya kay Trinity at hinalikan nito ang kaniyang kamay. Napakuyom ako ng palad at kung wala lang ibang tao rito ay kanin