Marahan kong idinilat ang mga mata ko at inunat ko pa ang aking mga braso. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pagkatapos nang nangyari sa’min ni Gascon kanina lang. Hapon na at kita ko mula rito sa loob ng kotse ang papalubog na araw, wala na si Gascon sa aking tabi at nagpalinga-linga pa ako sa aking paligid para hanapin naman siya. Bumaba ako sa sasakyan at nagtungo muna sa tabing dagat at pinagmasdan ito. Kay sarap pakinggan nang alon nito na tila ba’y musika sa aking pandinig. Napangiti na lang ako dahil naalala ko si papa noon na madalas niya akong ipasyal dito noong nasa elementary pa lang ako at parati niya akong binibilhan ng ice cream sa tuwing lalabas kami. Kaso hindi na mangyayari pa ang nais ko, wala na si papa at tiyak ay masaya na siya ngayon sa pamilya niya. N