“Good morning daddy Gasky!” Natatawang bati sa’kin nila Erick at Julius pagkapasok ko rito sa loob ng conference room. Naupo naman ako sa aking upuan at katabi ko sa magkabilang gilid ko naman ang dalawa. Papalit-palit pa ang tingin ko sa kanila na para bang nang-aasar na hindi ko malaman dahil sa kakaibang ngiti nila. “You want me to shoot both of you? What’s so funny huh?!” may halong inis kong saad sa kanila. “Ito naman si daddy Gasky galit agad!” Natatawang wika naman ni Julius. Kung hindi ko lang din sila mga kaibigan ay kanina ko pa sila pinalapa kay Douglas. Inabot naman sa’kin ni Erick ang isang brown envelope at kaagad ko itong binuksan. Nanlaki pa ang mga mata ko at halos malakumos ko na ang pagkakahawak doon nang makita ko ang nilalaman ng envelope. Hindi ko halos maisip