Chapter 37 Nagising si Jayden sa malambot na labi na humahalik sa kanyang bibig. Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata upang tignan kung sino ang babaeng halik ng halik sa kanyang labi Bahagya siyang napaungol dahil sa ginagawa nito. Paulit ulit kasi nitong binibigyan ng munting halik ang kanyang labi Napahagikgik ang babae at nakangiting nakatingin sakanya. "Good morning mahal ko" Napakurap-kurap naman si Jayden ng masilayan niya ang napakagandang mukha ni Michelle. Ito ang babaeng kanina pa halik ng halik sa kanyang labi. Napatitig lang siya kay Michelle habang iniisip niya kung anong ginagawa nito sa tabi niya. Nananaginip ba siya? "Tulog ka pa yata.." Muli itong napahagikgik na para bang kinikilig pa ito. Hinalikan nito sa isa pang pagkakataon ang kanyang labi Doon