Chapter 38 "Mga kababayan. Tayo ho ay pinag-pala ngayong umaga dahil isang anghel pala mula sa langit ang nakasalamuha natin noong nakaraang linggo." Nagpunas muna ng mga luha si chairman undoy habang nasa harapan ito ng mga taga-bariyo mapagkumbaba. Tinipon ni chairman undoy ang mga taga roon upang ipamigay ang pera na mula kay Michelle Hoffman. "Kahit sa panaginip ay hindi ko ito inaasahan. Alam niyo bang binigyan tayo ng tig iisang daang libo bawat pamilya ng bariyo mapagkumbaba. Pasalamat natin siya! Si Ma'am Michelle Hoffman" Napangiwi si Michelle dahil ayaw na sana niyang malaman ng mga taga bariyo na siya ang nagdonate ng pera sa bawat pamilya roon Ngunit mapilit si Jayden. Gusto ni Jayden makita niya ang reaction ng mga taga bariyo mapagkumbaba sa kanyang kabutihang puso Nag