Chapter 5
Malakas na katok sa pintuan ang nagpagising kay Michelle kinabukasan.
"Uhmmmp!" Reklamong ungol niya at binalewala niya ang malakas na katok na iyon. Dahil masakit pa ang buong katawan niya sa sobrang pagod.
Muling kumatok ng malakas ang tao sa labas ng kanyang kwarto.
Napadilat siya ng kaunti at inis na bumangon dahil kung maka-katok ang taong iyon ay para bang pag aari nito ang kanyang kwarto.
"Yaya naman eh! I'm so sleepy pa po!" Sigaw niya habang pupungas pungas pa siya. Dahil antok na antok pa siya ay wala pa sa katinuan ang kanyang utak.
Tumayo siya sa kanyang kama. Nagtaka pa siya ng kaunti bakit nasa lapag siya.
Ngunit derederetso nalang siyang lumakad papunta sa pinto upang buksan iyon.
"Yaya mamaya nako mag breakfast--"
"Anong oras na mahal na prinsesa?" Sabi ng isang baritonong boses ng pagbuksan niya ito ng pinto
Isang mata palang ang kaya niyang buksan sa mga oras na iyon.
"Ha?" Inaantok na tanong niya. Wala pa siya sa kanyang sarili dahil hinihila parin siya ng kaantukan
Saglit siyang tinitigan ng lalake dahil napakaganda ng kanyang mukha. Lalo na ngayong bagong gising siya. Kagabi kasi ay napaka-panget ng kanyang mukha dahil sa makeup na kumalat sa buong mukha niya.
Ngunit ngayong fresh na fresh ang kanyang mukha at namumula ng natural ang kanyang pisngi at labi ay di maiwasan ni Primo na mapansin iyon.
"Tulog ka pa ata. May panis na laway ka pa" Masungit nitong sabi sakanya kaya naman para siyang binuhusan ng malamig na tubig at nagising na siya ng tuluyan.
Napatakip siya agad sa kanyang bibig at nanlaki ang kanyang mata. Bumalik sa kanyang alala ang mga nangyari kahapon habang nakatingin siya kay Primo.
"Ano gising kana ba?" Nakakunot nuong tanong nito sakanya ng di siya magsalita.
Paano ba naman mas gwapo pala ito kapag maliwanag ang paligid. Kung kagabi napansin na niyang gwapo ito ay mas lalo na ngayong maliwanag niyang nakikita ang taglay nitong karisma.
Parang mas gwapo pa nga ito kay Carlo! Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil tulog pa nga ata siya dahil kung ano ano ang iniisip niya
"M-My gosh kasi eh! why are you so early Primo? And kung maka-katok ka naman parang gusto mong sirain ang door" Tumalikod na agad siya kay Primo dahil nahihiya siya sa kanyang itsura.
"It's ten oclock already miss. Hindi ganyan ang gising ng matinong tao kung gusto mong maging matino" Pumasok ito sa kanyang kwarto at inilapag nito ang isang maliit na paper bag sa maliit na lamesa niya
Napatingin naman siya doon
"And what that?" Nakataas na kilay na tanong niya kay Primo
"Utang" Maiksing sagot nito habang tinitignan ang kanyang itsura
Naamoy niyang pagkain ang laman ng paper bag na iyon kaya naman napangiti siya agad
"Wow. Many thanks! Kahit antipatiko ka mabait ka naman eh. Ilista mo nalang to sa mga utang ko sayo okay?" Lumapit agad siya sa paper bag upang buksan iyon
Katulad kagabi isang tupper ware iyon na may lamang ulam at kanin. Sa amoy palang ng ulam ay alam niyang masarap ulit iyon
"Walang bra?" Balewalang tanong nito sakanya na para bang walang kamalisya-malisya ang sinabi nito
Bigla naman nag init ang kanyang pisngi ng mapatingin siya sa tinitignan nito! Walang iba kundi ang dibdib niya!
"Pervert!!!" Tili niya sabay takip sa kanyang malulusog na dibdib na nakabakat sa kanyang suot na t-shirt.
Pulang pula ang kanyang mukha dahil doon
Pinipigilan naman mapangiti ni Primo dahil sa reaksyon niya
"Kung maka-react ka naman parang ako palang ang nakakita niyan"
"What?! what do you think of me?! A slut? Omg! You're so pervert binabawi ko na yung sinabi kong mabait ka!" Sita niya kay Primo dahil tuwang tuwa itong inisin siya
"I'm sorry. Bakit kasi wala kang suot na--"
"Shut up okay?! Grrr! Ang pervert mo!" Todo takip parin siya sa kanyang malulusog na hinaharap. Naninigas pa naman ang kanyang dalawang u***g at nakabakat iyon sa kanyang t-shirt. Kaya naman hangang ngayon pulang pula parin ang kanyang buong mukha
"Anyway huwag kang lalabas ng ganyan. At huwag ka munang lumabas kung ayaw mong makita ka ng mga media sa labas"
Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi ni Primo. Lalabas na sana ito ng kwarto niya
"Wait. What do you mean?"
"Maraming reporters ang nakapalibot sa sumabog na kotse mo ngayon. I think you're family already heard about what happened to your car and they are worried about you. Sana sabihin mo nalang sakanila na hindi ka naman talaga patay at nabaliw ka lang talaga"
"Shut up Primo. Hindi ako papayagan ng parents ko na mag stay dito kapag nalaman nilang buhay ako. Paano ako magbabagong life? Paano ako matututo mag sariling buhay kung susunduin ako ng parents ko diba?"
"It's up to you. Basta labas ako diyan sa kabaliwan mo. Tinutulungan lang kita"
Napataas naman ang kilay niya
"Bakit mo nga ba ako tinutulungan hmm?" Intrimitidang tanong niya kay Primo at umaasa siyang sasabihin nitong dahil maganda siya at crush siya nito kaya ito tumutulong sakanya
Ngunit napasimangot siya sa sagot ng antipatikong lalake.
"May choice ba ako? Ayoko nga sana eh. Kaso konsensya ko naman pag pinabayaan kita. At babayaran mo naman ako"
Bumuntong hininga nalang siya sa inis
"Eh where are you going now?" Maarteng tanong niya kay Primo
"Babalik sa trabaho--"
"Wait papaturo sana ako sayo mag pa-hot ng water eh" Nahihiyang paki-usap niya
"Say please Primo" Nang aasar ang ngiti nito
Kaya naman inirapan niya ito sa kanyang inis
"Antipatiko talaga" Bulong niya
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko please Primo?" Nagpa-cute pa siya ng kaunti kaya naman napangiti rin ng kaunti si Primo sakanya
"Yan marunong ka naman palang maki-usap eh"
Muling pumasok si Primo sa loob ng maliit niyang silid. Nakita nito sa lababo ang maruming tupper ware na kinainan niya kagabi
"Bakit hindi mo pa yan hinugasan? Iipisin ka dito"
Nanlaki ang kanyang mata
"W-What? M-May ipis dito?"
"Yeah. Kaya dapat naglilinis ka ng mga pinagkainan mo."
Napalunok siya at napatingin sa palagid. Malinis naman ang maliit na kwarto niya.
"T-Teach me Primo" Nahihiyang sabi niya
Lumingon ito sakanya.
"What?" Mahinang tanong nito. Napalunok kasi ito dahil kakaiba ang dating ng kanyang sinabi sa pandinig nito. Tila ba napakasexy ng sinabi niya kahit di naman niya intensyon akitin ito.
"Sabi ko turuan mo akong maghugas at maglinis"
Dinedma nalang ni Primo ang kaunting kiliting hatid ng malambing na boses niya. Binalewala nalang nito iyon.
"Ayoko nga" Masungit na sabi ni Primo habang pinupuno nito ng tubig ang takure mula sa gripo ng lababo.
"Sige na. Babayaran naman kita--"
"Fine. Wala ba talagang pinagawa sayo ang parents mo ng kahit anong chores? Like maghugas ng pinagkainan?"
Napayuko tuloy siya at napanguso. Sa kasamaang palad ay wala. Nabuhay siyang prinsesa ng mga Hoffman.
"Wala as in. I'm a princess you know?" Maarteng sagot niya.
Tila si Primo naman ang nais mapaikot ang mata sa kaartehan niyang mag salita. Pasimple rin itong napapangiti sa kaartehan niya
"Eto muna ituturo ko sayo. Lumapit ka dito"
Nakatakip parin siya sa kanyang dibdib bago siya lumapit kay Primo
"Okay listening" Seryosong sabi niya kay Primo at nakatingin siya sa ginagawa nito
Nais tuloy mapatawa ni Primo dahil kung makatingin siya sa ginagawa nito ay para bang isang project iyon na napakahirap. Samantalang binubuksan lang naman nito ang kalan gamit ang posporo sa gilid.
Tila nagulat pa ito dahil malakas ang unang buga ng apoy mula sa kalan.
"My gosh! Parang di ko yan kaya." Napapalunok ito
"Madali lang to. Para hindi ka mag tiis sa lamig ng tubig at para makapag luto ka rin"
"Wait wait. Pwede ba isa isa lang per day? Di ko pa nga alam kung makakaya ko yan buksan kalan na yan eh pagluluto na agad ang sinasabi mo diyan. And nga pala nasarapan ako sa ulam kagabi kahit mukhang cheap. Masarap siya. Saan mo yun binibili? Ibili mo nalang ako palagi dahil babayaran ko naman--"
"No. Ngayon lang kita bibigyan ng pagkain. But tomorrow you need to cook for yourself. Paano ka matututo niyan?"
Napanguso siya at naiinis sa sinabi ni Primo. Ngunit may punto rin naman si Primo. Kailangan niya talagang matuto.
"Okay fine." Lakas loob niyang kinuha ang posporo sa kamay ni Primo. Saglit na nagdikit tuloy ang kanilang mga daliri
Ewan ba ni Michelle kung bakit parang nakuryente siya ng kaunti at napatingin siya sa gwapong mukha ni Primo
Infairness ang pogi ng antipatikong to. Napakapula ng labi parang masarap humalik-- Pinigilan ni Michelle purihin ang mukha ni Primo sa kanyang utak.
Napapangiti naman si Primo dahil napansin nito ang pagkakatitig niya ng saglit sa labi nito.
"Lakas ng loob ah. Let's see kung kaya mo" Napapantastikuhan si Primo sakanya dahil nakikita nitong desedido rin siyang matutan iyon.
"Ganito ba? Ikikiskis ko ba dito tapos ishoot ko doon?"
Natawa na si Primo sa pagiging inosente niya. Natawa ito dahil natutuwa ito sa kanyang pagiging inosente sa pag gamit ng posporo at kalan
"Why are you laughing?!" Naiinis na tanong ni Michelle kay Primo
"Seryosong seryoso ka kasi.. Yeah your right. Pero huwag mong ishoot diyan hipan mo lang to pag nasindihan mo na yung kalan"
Humugot ng malalim na hininga si Michelle bago niya sinubukan sindihan ang posporo
Naka-ilang kiskis siya ay hindi parin iyon nagkaka-apoy. Pigil naman ang pag tawa ni Primo dahil seryosong seryoso ang magandang mukha niya
Napatili siya ng biglang sumindi ang posporo at agad niyang nahagis iyon. Mabuti nalang at sa semento niya iyon naihagis. Inapakan agad ni Primo iyon kaya naapula agad
"Be careful. Susunugin mo pa ata itong apartment"
"Nagulat lang ako eh! One more time!"
Tahimik naman si Primo na pinapanuod lamang siya sa kanyang ginagawa. Pasimple rin itong napapatingin sa bandang dibdib niya kahit ayaw nitong mapatingin doon.
Lalake parin ito at natutuksong mapatingin doon.
"Yes! Oh diba nabuksan ko na!" Tuwang tuwa si Michelle dahil sa twenty years of her life ay nakapagsindi na siya ng kalan. Bravo!
Agad ipinatong ni Michelle ang takureng may lamang tubig sa loob upang initin iyon
Napapangiti naman si Primo at iniiwasan mapatingin sa dibdib niya ng tumalon siya ay nag-alugan rin iyon.
"Ang galing ko! Makakaligo nako ng warm water my gosh" Maarteng sabi niya
Iniiwasan nalang ni Primo mapatingin sa kanyang dibdib. Ayaw naman kasi nitong tignan iyon ng walang pahintulot.
"Good. Ngayon marunong ka ng magsindi niyan. Maghugas ka naman nito"
Itinuro ni Primo sakanya ang maruming tupper ware
"Paano ba?" Lumapit si Michelle sa kinakatayuan ni Primo kaya napa-atras ang binata dahil dumikit ang braso niya sa braso ni Primo
"Tsk. Inaakit mo ba ko?" Masungit na tanong ni Primo sakanya
Agad naman napakunot ang nuo ni Michelle
"What?!" Di makapaniwalang tanong ni Michelle
"Huwag mo kong inaakit--" supladong sabi pa ni Primo sakanya.
"Ha ha ha you're very funny! Bakit naman kita aakitin? My gosh! Hindi kita type no!"
"Maganda na yung nagkakalinawan." Kunot nuo parin si Primo. Nakuryente kasi ito sa makinis niyang balat na napadikit kanina sa braso nito.
"Oo maliwanag pa sa sikat ng araw. Hindi love life ang ipinunta ko rito. Higit sa lahat hindi love life ang dahilan para magpangap akong dead sa family ko no! I'am doing this for myself!"
"Good. Umusog ka dun. Ipapakita ko sayo paano hugasan tong takip tapos ikaw na maghugas ng tupper ware"
Naloloka si Michelle kay Primo dahil ginamit nito ang hintutoro nitong daliri sa kanyang nuo upang itulak siya ng kaunti
"My gosh. You're so annoying Primo. Huwag ka ngang feeling! Hindi kita inaakit at wala akong crush sayo no!"
"Lahat ng babae dito may gusto sakin. Malay ko ba kung isa ka sa mga--"
"Shut up okay? Nakakakilabot ka Primo!"
Pinipigilan tuloy mapangiti ni Primo dahil sa maarteng reaksyon niya.
Tinuruan siya nitong maghugas ng pinagkainan niya. Natuwa naman si Michelle dahil madali lang pala iyon gawin. Aalisin mo lang mga natirang pagkain at itatapon iyon sa basurahan. Pagkatapos babanlawan mo ito ng kaunti bago sabunin ng dishwashing liquid. Pagkatapos ay babanlawan uli ng mabuti at itataob upang matuyo.
"Ang dali dali pala my gosh!"
Natatawa naman si Primo sa likod niya
"Ofcourse isang pirasong tupper ware lang yan eh."
Inirapan niya ito. Ngunit masayang masaya siya dahil marunong na siyang maghugas ng pinagkainan niya.
"Kakainin ko na yung binigay mo saking food. Para may hugasan ulit akong tupper ware!" Tuwang tuwang sabi niya. Para bang bata siya na sabik na sabik mag hugas muli
Napapakamot nalang sa kilay nito si Primo
"Baliw talaga" Sabi ni Primo sa sarili nito habang nakatingin kay Michelle
"Ikaw ba kumain kana ba Primo?" Tanong ni Michelle kay Primo habang binubuksan na nito ang tupperware na may lamang pagkain
"Yeah. I need to go now. Babalikan nalang kita mamaya kung makakapunta tayo sa ukay ukay. Titignan ko pa kung aalis na yung mga reporters"
"What's ukay ukay?"
"Secret" Nakangising sabi ni Primo at iniisip na nito ang reaksyon ni Michelle kapag nakapasok ito ng ukay ukay
"Fine! See you later--"
"Teka naglaba kana ba?" Tanong ni Primo sakanya ng maalala nito na wala siyang suot na bra
"Hindi rin ako marunong maglaba--"
Napabuntong hininga si Primo at hinanap nito ang kanyang maruming damit na nasa loob ng maliit na banyo.
Natawa si Primo dahil naroon parin nakasabit ang bra at panty niya.
Nanlaki ang mata ni michelle at muntik pa siyang mabilaukan ng makita niya ang hawak ni Primo habang nakangisi ito
"Miss maarte. Labahan mo to"
"Hey pervert! Panty ko yan!" Agad naman inagaw ni Michelle ang bra at panty niya na hawak ni Primo
Tawa ito ng tawa dahil sa kanyang reaksyon. Hiyang hiya naman siya at pulang pula ang kanyang mukha.
"Napaka-pervert mo!--"
"Wait bakit sinabit mo pa yun?"
Lalong natawa si Primo ng mapatingin ito sa kisame at makita nitong nakasabit ang brief nito doon. Itinuro pa nito iyon sakanya
"Grrrrr! Bastos! Bakit mo kasi ipapagamit sakin yung brief mo?! Are you out of your mind?! Hindi ko yan gagamitin no! My gosh! Naihagis ko tuloy yan diyan kaya pasensya ka nalang"
Lalo naman natawa si Primo at naiimagine nito ang naging reaction niya kagabi.
"Sinasamba mo na ang brief ko" Pang aasar ni Primo sakanya kaya lalong namula ang kanyang mukha
"Bastos ka talaga! Kunin mo na yang bried mo! It's so kadiri kasi!"
Natatawa parin si Primo ng sungkitin nito ang brief sa kisame. Mabuti nalang at matangkad ito kaya naabot naman nito agad iyon.
"Excuse me bagong laba to. Pipila pa nga ang mga babae para lang maamoy to"
Halos umusok naman ang ilong ni Michelle
"Ewwwww!!!" Inirapan niya si Primo pero napapangiti rin siya dahil mapang asar pala ang antipatikong lalake