Chapter 4

1451 Words
Chapter 4 Nais mapaiyak ni Michelle ng maka-alis na si Primo at iwanan siya sa kanyang bagong titirahan Hindi niya malaman kung paano siya kikilos sa maliit na kwartong iyon. Malinis naman ang loob ng kwarto pero walang kagamit gamit doon. Napa-sign of the cross siyang mag-isa dahil natatakot siya. Pinagbilinan pa siya ni Primo na mag lock siya ng pinto. Pakiramdam niya hindi niya kakayanin itong bagong buhay na ito ngunit pinapalakas lamang niya ang kanyang loob. "P-Para sayo self i can do this" Sambit niya sa kanyang sarili habang namumula ang kanyang mga mata. Mag iisang oras na siyang nakaupo sa kutson at hindi niya alam ang kanyang gagawin. Nais sana niyang maligo ngunit pakiramdam niya hindi niya kayang gawin iyon lalo na't malamig ang tubig. Wala man lang kasing heater ang tubig doon. Hindi rin siya marunong maligo na gumagamit ng tabo lamang. Napatili siya dahil may kumatok sa pinto. "W-Who's there?!" May halong kabang tanong niya Ngunit kumatok lang muli ang tao sa labas ng kanyang pintuan. Lalo tuloy siyang kinabahan. "S-Sino ka? I will not open this damn door--" "Miss ako to" Boses iyon ni Primo kaya nakahinga siya ng maluwang Agad niyang binuksan ang pinto ng masigirado niyang si Primo iyon. "Salamat naman at bumalik ka!" Nakangiting sabi niya ng pagbuksan niya ito ng pintuan Mukhang nakaligo na ito dahil nakabihis na ito ng white tshirt at maong na pantalon. Lalo tuloy itong gumwapo! Dinedma nalang niya ang kagwapuhan nito dahil hinding hindi siya maaring magkagusto dito. Hindi naman love life ang ipinunta niya dito. May hawak itong dalawang paper bag na malalaki. Derederetso itong pumasok sa loob ng kanyang kwarto at inilagay iyon sa loob "Ano yan?" Tanong niya sa mga dala-dala nito "Blankets and stuffs that you needed" Sabi nito bago ito lumakad palabas muli ng kanyang kwarto "T-Teka uuwi kana ulit?--" "Dinaan ko lang talaga yan dito dahil lalamigin ka kung wala kang kumot.. Bayaran mo nalang ako. Ililista ko yan sa mga utang mo sakin" "M-May toothbrush ba dito? And facial wash--" "May toothbrush diyan at sabon. Matuto kang gumamit ng sabon lang--" "What? But i have sensitive skin--" "Not anymore. Masasanay ka rin" Napapangisi ito dahil natatawa ito sa timpla ng kanyang mukha ngayong mga oras na ito "Please babayaran naman kita--" "Akala ko ba gusto mong--" "Magbagong buhay. Fine. Sige thanks nalang!" Si Michelle na mismo nagtapos ng sasabihin ni Primo dahil kabisado na niya ang linya nito. Napapa-iling nalang si Primo sa ka-artehan niyang magsalita. "May tshirt ako diyan at shorts. Iyon muna ang gamitin mo. Bukas sasamahan kitang bumili sa ukay ukay ng damit mo--" Naningkit ang kanyang mga mata dahil sa mga sinasabi ni Primo. "What?! No way! Hindi ko isusuot yang mga damit mo no! Para ko na rin naramdaman yang body mo! My gosh! You're so pervert!" "Ang arte mo. Anong isusuot mo? Yang damit mo hangang bukas? Makatulog ka kaya niyan?" Napatingin naman siya sa kanyang white dress. Napakarumi na pala ng damit niya. Napalunok tuloy siya. "E-Ewww ang dungis ko! Oh nooo!" Nandidiri tuloy siya sa kanyang sarili. Sa buong buhay niya ito palang ang unang beses na may duming nakakapit sa kanyang damit. She's a clean kind of person. Napakalinis niyang tao! Ngunit ngayon nang-gigitata na ang suot suot niyang white dress. "Sobrang arte" Napapa-iling nalang lumayo si Primo sakanya bago ito sumakay sa kabayo nito at umalis na doon. Nang maka-alis si Primo nilock agad niya ang pinto at isa isa niyang tinignan ang laman ng dalawang paper bags Napangiti siya dahil may dalawang pillow case doon at isang makapal na kumot at bedsheet. Mabango ang mga iyon at bagong laba pa. "Oh salamat naman!" Inamoy niya ang kumot. Amoy fabric conditioner iyon. May toothbrush doon na mukhang mumurahin at may tatlong box ng sabon rin doon na tila hindi niya pa nagagamit sa buong buhay niya. Ngunit sa packaging palang ng sabon ay mukhang mumurahin din iyon. Mas okay na iyon kaysa kanina walang wala siyang magagamit. Napakagat labi siya ng makita ang isang plain tshirt na kulay puti at isang jersey shorts. May kasama iyon isang itim na brief kaya napatili siya mag-isa "Waaaaaaaaa!!! Pervert niya talaga! Ipagamit raw ba sakin ang brief niya?! Kadiri!!!" Naihagis niya tuloy ang brief nito sa kisame at sumabit ito doon. May dalawang malaking towels rin ang naroon. Kahit papano lahat ng mga iyon ay kailangan niya. Ngunit napangiti siya ng makita niya ang isang tupper ware na mayroong pagkain! May mineral water rin iyon. Biglang kumulo ang kanyang tiyan. Nagpapasalamat siya dahil naalala siyang balikan ni Primo. Hulog parin ito ng langit kahit napaka-antipatiko nito. Marahil naisip nitong hindi pa siya kumakain at kailangan niya ng kumot ngayong gabi. Napalunok siya ng buksan niya ang tupper ware. Hindi niya kilala ang ulam na iyon. Parang ulam iyon ng mahihirap. Don't get her wrong guys pero may sariling chef si Michelle ng mga pagkain niya dahil napaka-arte niya sa pagkain. Dahil gutom na siya at kumakalam na ang kanyang sikmura ay hindi na niya natiis at kinaen na niya iyon. Hindi niya alam kung anong klaseng ulam iyon ngunit napakasarap pala! Mainit init pa ang kanin at mukhang bagong saing palang iyon. Sarap na sarap siya sa ulam. Kung sino man ang nagluto ng ulam na iyon ay talagang kukunin niyang personal chef pag balik niya sa mansyon. Pagkatapos niyang kumain ay pinalitan na niya ang kanyang unan ng bagong pillow case at bagong bedsheet. Kahit papaano ay makakatulog na siya sa kutson na iyon dahil mabango ang ipinalit niyang kobre kama. Napatingin siya sa kanyang sarili at nangangati na ang kanyang katawan. Kahit giniginaw siya ay kailangan na niyang maligo. Lalo na't sanay na sanay pa naman siyang mag shower bago siya matulog sa gabi. Pumasok siya sa loob ng maliit na restroom. May isang kulay puting timba doon na punong puno ng tubig. Mukhang malinis naman ang timbang may tubig at ang puting tabo ay mukhang bagong bago pa rin. Sementado lang ang sahig. Kaya napakalamig nito sa kanyang mga paa. Panay sugat pa naman ang paa niya. Napangiwi siya ng makita niyang nagputik ang kanyang mga paa sa sahig. "Ewwww! Oh noo! Ang dirty dirty ko!" napapaiyak niyang sambit habang hinuhubad niya ang kanyang damit. Napatili siya ng mapatingin siya sa salamin na nakasabit sa gilid ng pinto at nakita niya ang kanyang mukha! She's totally messed up! Nagkalat ang eyeliner sa kanyang eyebags at daig pa niya ang mukha ng mga drug addicts! Napaka-panget niya! Halos di niya makilala ang kanyang sarili. Ang gulo gulo rin ng kanyang buhok. "My gosh. Napaka-ugly ko. Kaya naman pala napakasungit nung antipatikong lalakeng yun eh!" Sinubukan niyang basain ng tubi ang kanyang mukha. Napatili siyang muli dahil napakalamig ng tubig! "Sheyt! Ang lamiiig!" May takure naman doon na pwede niyang pag initan ng tubig. Ngunit ang problema hindi siya marunong mag bukas ng kalan! Wala talaga siyang alam sa buhay kaya lalo siyang napapaiyak. Lalo niyang naiisip na tama nga ang sinabi ni Carlo. She's nothing. Katulad nalang ngayon. Kung marunong lang sana siyang mag bukas ng kalan edi sana nakapag-init siya ng kanyang pangliligo. At isa pa hightech ang kanilang lutuan sa mansyon. Hindi ganitong mumurahing kalan. Tiniis niya ang lamig ng tubig. Naligo siya at ginamit niya ang sabon na binigay sakanya ni Primo. Mabango naman ang sabon. May isang sachet rin ng shampoo na naroon kaya pinagtiyagaan nalang niya iyong gamitin. Sa sobrang lamig ng tubig kahit gusto niya pang magtagal sa pagligo ay hindi na niya nakayanan. Nang matapos siyang maligo ay napreskuhan naman siya sinuot na niya ang white tshirt at jersey shorts ni Primo. Malinis iyon at mabango. Nag-init ang kanyang pisngi dahil wala siyang suot na panty ngayon at tanging jersey shorts lang nito ang suot niya. Wala rin siyang bra na suot dahil maruming marumi na ang kanyang bra. Ilang minuto niyang hinintay matuyo ang kanyang mahabang buhok na hangang sa kanyang bewang. Ipinusod niya iyon bago siya nahiga sa kanyang kutson Napasimangot agad siya dahil hindi malambot ang kutson na iyon. Hindi katulad ng kama niya. Ngunit pwede na rin iyon kaysa nasa kalsada siya ngayon. Mabuti nalang at nakita niya si Primo kanina sa daan. At mabuti nalang rin dahil kilala siya nito Iniisip niya ang kanyang pamilya bago siya nakatulog. Kahit natatakot siya sa unang beses niyang matulog doon ay nakatulog parin siya marahil dala na rin iyon ng pagod niya sa pag iyak buong araw. Simula ngayon isang matatag na Michelle na ang gusto niyang maging katauhan niya. Gusto niyang patunayan sa kanyang sarili na kaya niya ring mag bago. Mahirap man ay susubukan parin niya para sakanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD