Chapter 3
"Malayo pa ba?! Ang sakit sakit na ng mga feet ko!" Reklamo ni Mich habang naglalakad siya kasama ang isang strangherong gwapo.
Mukha itong matinong tao kaya naman madali siyang nagtiwala dito. At isa pa nuknukan ito ng kagwapuhan muntik na nga siya maglaway sa ganda ng katawan nito.
"Ang arte mo. Kasalanan mo naman kung bakit tayo naglalakad ngayon" Naiinis rin ito dahil napakalayo ng nilalakad nila.
Tumakbo kasi sa malayo ang kabayo nito dahil sa pagsabog ng kanyang kotse. Napabuntong hininga si Michelle. Napakasungit rin kasi ng antipatikong lalakeng kasama niya.
Hindi umuubra dito ang pagiging masungit niya dahil mas masungit pa ito sakanya.
"Palibhasa naka tsenelas ka lang. Look at me? Naka-heels ako--"
"Mag paa ka nalang" Huminto ito sa paglalakad at tumingin sa kanyang paa. Napansin nitong iika-ika na siya sa paglalakad dahil sa kanyang high heels.
"What?! No way no no no! Maraming germs diyan!" Maarteng tutol niya. Hindi niya ata ma-imagine ang sarili na magpapaa sa kalsada.
"Magtiis ka nalang malapit na tayo sa magiging apartment mo" Kunot nuong sabi ni Primo sakanya.
Kahit nakasimangot ito at kahit madilim sa kalsada ay napapansin niya parin ang kagwapuhang taglay nito. Sanay na siya sa mga gwapo dahil panay gwapo ang kanyang mga kapatid. Ngunit ngayon palang siya nakakita ng kasing gwapo ng mga kuya niya.
Napapataas ang kilay niya habang pasimple niyang tinitignan ang katawan nito. Maganda ang katawan nito. Kahit probinsyana ito ay mukha itong may pinag aralan. Lalo na pag nagsasalita ito ng english.
"Anong tinitingin tingin mo?" Puna nito sakanya ng mapansin nito ang pag gapang ng kanyang paningin sa abs nito.
"Y-You're so dirty kasi." Pina-ikot niya ang kanyang mata dahil nahuli siya nito sa kaniyang pagtitig sa hubad nitong pang-itaas na katawan.
"Ikaw ba naman mahulog sa kabayo at magpagulong gulong sa kalsada dahil may isang babaeng baliw na nagpasabog ng sariling kotse niya. Ewan ko lang kung maging malinis parin ang katawan mo" Sarkastikong sabi ni Primo sakanya habang nakakunot ang mga nuo nito
Napataas nalang ang kanyang kilay at inirapan ito.
"Buhatin mo na nga lang ako! I will pay you. Pagod na pagod nako--"
"Wait what? You want me to carry you?" Naiinis na atanong ni Primo sakanya
"Oo dahil i cannot take it anymore. My gosh sobrang sakit na ng paa ko! Don't worry i will pay you--"
Lumapit si Primo sakanya kaya naman napalunok siya. Tila naiinis na ito sa kaartehan niya
"Ayoko" Seryosong sabi nito sakanya na may pagkakadiin pa ang pagkakabigkas nito sa salitang iyon
Muli siyang napalunok dahil naamoy niya ang fresh breath nito dahil napakalapit nito sa kanyang mukha.
"Bawas bawasan mo yung kaartehan mo miss dahil pagod na rin ako" Galit nitong sabi sakanya bago ito tumalikod at naglakad muli
Hindi naman niya maunawaan kung bakit bumilis ang t***k ng kanyang puso dahil sa ginawa nito
Napapataas nalang ang kilay niya.
Infairness ang fresh breath ha? Kahit ang dungis ng katawan --- Sabi nalang niya sa kanyang sarili
Pa-ika ika niyang sinundan si Primo dahil medyo malayo na ito sakanya. Masakit na kasi talaga ang paa niya dahil sa suot niyang high heels.
Lalo na pataas pa ang nilalakaran nila.
"Impaktong lalake to. Hindi man lang maawa" Naiinis na wika niya at hindi na niya natiis na hubarin ang kanyang sandals
Kahit diring diri siya sa kalsada ay wala naman siyang magagawa kundi ang mag paa
Alagang footspa pa naman at pedicure ang kanyang mga paa. Ngunit ngayon wala siyang choice kundi magtapak.
Napalingon naman si Primo sakanya at nakita nito ang pagtapak niya. Pinigilan nitong mapangiti dahil sa itsura ng kanyang mukha na para bang diring diri
"Hindi mo ikakamatay yan. Ang OA mo" Pang aasar ni Primo sakanya ng maabutan na niya ito sa paglalakad. Mukhang binagalan talaga nito ang paglalakad upang makasabay siya nito
"Tse!" Inirapan nalang niya ito habang bitbit niya ang kanyang sandals.
Maya maya pa nakakita na siya ng mga kabahayan. Napangiti agad siya.
"Oh my gosh! Finally nakarating rin!"
"Malayo pa tayo. Sa dulo pa--"
Tinignan niya ito ng masama.
"Are you serious?" Tanong niya kay Primo habang nakakunot ang kanyang nuo at halos magsalubong na ang kanyang mga kilay
"Mga apat na kanto pa" Seryosong sagot naman ni Primo sakanya
"What?! Oh noo. Sobrang sakit na ng paa ko!" Inangat niya ang kanyang maruming paa upang ipakita kay Primo na nagsugat sugat na iyon. Hindi kasi sanay ang kanyang paa na magtapak at napakasensitive ng kanyang balat
Manipis rin ang balat ng paa niya dahil alaga iyon sa footspa. Kinakayod palagi ang balat niya sa mga exclusive salon na pinupuntahan niya.
Napatingin si Primo sa paa niya at napansin nitong panay sugat na iyon at napakadumi
Bumuntong hininga ito at lumapit sakanya.
"Sakay" Seryosong utos nito sakanya pagkatapos nitong umupo ng kaunti sa kanyang harapan na para bang pinapasakay siya nito sa likod nito
Nagning ning agad ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ni Primo. Ngunit napansin niyang masarap este marumi ang likod nito. Nadumihan iyon sa pag gulong nito sa kalsada kanina
"Eh you're so dirty eh. Wala ka bang t-shirt--"
Tumayo na ito ng maayos at tila naartehan sakanya
"Fine. Kung ayaw mo edi huwag--"
Agad niyang hinawakan ang kamay ni Primo dahil nagbago agad ang isip nito.
"No no no. Okay sasakay nako sa likod mo." pigil niya kay Primo
Bumuntong hininga ito ngunit tumalikod uli at muling pumwesto upang makasampa siya sa likod nito
Hindi na niya inisip ang dumi sa likod nito dahil ang mas nakakapag-nginig ng kanyang buto ay ang muscles nito! Unang hawak palang niya sa balikat nito ay napakagat labi na siya dahil matigas iyon at lalakeng lalake talaga ang pangangatawan nito
Hindi naman OA ang muscles nito dahil ito yung tipo ng muscles na katulad sa mga model sa magazines. O yung mga modelong kaibigan niya.
Paano kaya naging ganito ang katawan ng isang probinsyano? Kahit pa marumi ang likod nito ay kapansin pansin ang kinis ng balat nito. Para bang balat mayaman!
"Pipisilin mo nalang ba yang balikat ko o sasalabay ka?"
Napakurap kurap tuloy si Mich dahil sa sinabing iyon ni Primo. Napatitig pala siya sa balat nito kaya natulala siya ng saglit.
"A-Ang dumi kasi my gosh--"
Tipong tatayo uli ito kaya binilisan na niya ang pag salabay sa likod nito. At dahil biglaan ang pag salabay niya ay napasubsob siya ng husto sa likuran ng lalake.
Naramdaman niyang napadiin ang dibdib niya sa likuran nito. Marahil naramdaman rin nito iyon.
"Kumapit kang mabuti kung hindi ilalaglag kita" Masungit na sabi nito sakanya kaya naman kumapit siya ng husto sa leeg nito at ang kanyang dalawang paa ay nakakapit naman sa bewang nito.
Kinuha nito ang sandals na hawak niya at ito na ang nagbuhat niyon. Inalalayan naman nito ang dalawang binti niya para hindi siya mahulog.
Napakagat labi naman siya dahil hindi niya inaasahan na amoy baby pala ito sa ganito kalapit. Mabango ang ulo nito na para bang hindi ito pinagpawisan. Amoy shampoo pa rin ito! Pasimple niya pang inamoy ang binata habang naglalakad ito at nakasabay siya sa likod nito.
Akala niya pa naman ay amoy pawis ito dahil napakadumi ng likod nito. Ngunit napakabango naman pala ng batok nito. Makinis rin ang batok at likod ng tenga nito.
Napapataas tuloy ang kanyang kilay dahil naiimpress siya sa amoy nito. Nabawasan ang pandidiri niya sa maruming likod nito
Tahimik lang itong naglalakad at para bang hindi naman nabibigatan sakanya
"Ilang taon kana?" Maya maya tanong niya kay Primo dahil hindi na ito nagsasalita habang pasan pasan siya.
"Bakit mo tinatanong?"
"Ang sungit" Napapa-irap nalang siya dahil napakasungit ng lalakeng ito
"Twenty six" Maiksing sagot nito
"Ang tanda mo na. Twenty palang ako eh"
"Hindi ko tinatanong"
Halos umusok naman ang ilong niya dahil sa sinabi nito. Parang gusto niya tuloy itong sakalin
Ngunit pinili nalang niyang huwag magsalita. Baka kasi paglakarin pa siya nitong muli.
Maya maya pa huminto na ito sa tapat ng isang apartement. May tatlong pinto iyon at mukhang ito na ang sinasabi nitong lugar kung saan siya maninirahan.
"We're here." Yumukod ito ng kaunti upang makababa siya
Napangiwi naman siya sa kirot ng paa niya ng muli niyang itapak iyon sa lupa
"Awww."
Kumatok naman sa isang pinto si Primo
"Ser primo! Aba anong nangyari sayo?" Nag aalalang sabi ng isang matandang lalake pagkabukas nito ng pinto.
Napatingin agad ang matanda sakanya
"Sino siya Ser?" Tanong ng matanda kay Primo na ang tinutukoy ay siya.
"Mang Carding kailangan niya ng matutuluyan ngayon. Give her the last room"
Kahit nagtataka man ang matanda ay dali-dali nitong kinuha ang susi para sa isang kwarto doon.
Si Primo naman ay nakasimangot na lumingon sakanya
"Akin na yung bayad mo" Masungit nitong sabi sakanya
Napanguso tuloy siya dahil napaka-antipatiko talaga nito.
"Parang two thousand pesos lang kung makasingil ka diyan" Inirapan niya ito at kinuha niya ang kanyang wallet.
Natapik niya ang kanyang sariling nuo ng makitang one thousand nalang ang cash niya. Panay cards ang naroon.
"Oh no! Hindi pala ako naka-withdraw ng pera. Don't worry bukas magwiwithdraw ako"
Unti unti naman napangisi si Primo
"Kapag minamalas ka nga naman. Hindi kana makakapag withdraw diba patay kana? Gusto mo bang malaman nilang buhay ka pa?"
Nanlaki ang kanyang mata ng marealize niyang may punto ito.
Napatakip siya sa kanyang bibig
"Oh my! Oo nga! Oh noooo. Paano nako nito?!"
"Utangin mo muna sakin. Pag bumalik ka na sa parents mo bayaran mo ko" Napapa-iling nalang si Primo bago siya nito iniwan doon
"Wait! Saan ka pupunta?!" Pa-ika ika niyang sinundan si Primo
"Uuwi nako. Balak mo pa atang sumama eh"
"Teka lang. Can you stay for a minute? Samahan mo akong tignan yung room. I'll promise i will pay you extra. Bibigyan kita ng one or two million pesos pag bumalik nako sa parents ko"
Napabuntong hininga si Primo dahil sakanya.
"No. Uuwi nako. Masyado mo nakong na-aabala"
"Natatakot ako" Napayuko tuloy siya dahil totoong natatakot naman talaga siya.
"Mababait ang tao dito" Ngunit wala ng nagawa si Primo kundi i-guide siya papunta sa kanyang magiging bagong tahanan
Maliit na kwarto lamang iyon. Pag bukas palang nito ng pinto ay parang gusto na niyang mapaiyak
Kutson lamang ang kama sa loob! Kaunting gamit sa pagluluto at isang maliit na lamesa lamang ang laman noon. May maliit ring banyo doon ngunit walang shower at walang bath tub!
"Oh nooo. Wala na bang iba--"
"Sabi mo gusto mong magbagong buhay diba?"
Gusto na niyang umiyak ngayon palang. Makakaya niya kaya ang tumira sa isang maliit na kwartong iyon?
"I'll go home now. Pupuntahan nalang kita dito bukas pag kailangan ko na ng taga linis at taga laba"
Napalabi siya dahil sa sinabi ni Primo. Tila ngayon palang ay napapagod na siya.
Pinigilan naman mapangiti ni Primo dahil sa naging reaksyon niya.