Elizabeth "Daddy." "Hmm?" Habang nasa kabilang linya si Hermes. Nilalambing ko ito. Minsan lamg ako maglambing kaya lubus-lubusin ko na. Tumawag kasi ito, kararating lang daw niya sa office. Nag-update lang siya sa akin. Ang sweet talaga ng gwapo kong asawa. "Gusto ko ng hinog na langka." "Langka?" "Oo, hindi yung dilaw gusto ko ng pink." "Pink?" narinig kong napaubo sa kabilang linya ang asawa ko. "Saan naman ako kukuha no'n?" sa tono ng pananalita niya pa lang parang nakikita kong na-sstress siya sa hinihingi ko sa kaniya. Saan nga ba naman kasi siya kukuha ng langkang hinog at kulay pink pa. Ewan ko ba kasi sa sarili ko kung bakit kulay pink ang gusto ko. "Mommy, iba na lang. Humingi ka na lang ng iba huwag lang yung pink na langka." dagdag pa niya. "Anong magagawa