Elizabeth "Akala ko ba mag-uusap tayo?" naalala ko pa ang sinabi sakin ni Hermes bago nangyari ang lahat. Bago niya ako angkinin kagabi. Nandito na kami ngayon sa kaniyang kwarto. Kasama si Aliyaah na abala sa paglalaro sa kaniyang mga laruan sa sahig. Habang kami naman ni Hermes ay nandito sa kaniyang kama. Magkalayo naman kami. Nasa dulo siya at ako rin naman ay sa kabilang dulo ng kama. Ayaw kong ilapat ang aking balat sa kaniya dahil kaunting lapat lang ay nag-iinit na kaagad ako at baka saan na naman mauwi ang pag-uusap namin na ito. "Bakit ang layo mo?" umusog siya para mapalapit sakin. Pinaunan niya ako sa kaniyang braso. Nanuot kaagad sa aking ilong ang kaniyang pabango. Napapikit tuloy ako ng wala sa oras. Ilang segundo lang din ay iminulat ko rin ang aking mga mata.