TUMAMBAD nga sa pakiramdam ni Saber ang malaking kagubatan na may naglalakihang puno na kakaiba sa pangkaraniwan. Lumapag nga siya sa isa sa mga sanga noon at sa pagkakaalala niya ay dito rin siya dati nagpunta. Sinubukan pa nga niyang pakiramdaman ang paligid at talagang ito nga ang sentro ng komersyo ng lungsod. “Eternity ba ang may kagagawan nito? Pero wala sa kanila ang may kakayahang gawin ito. Superhuman kaya? Pero masyadong malawak ang ginawang ito na nangangailangan ng malakas na kapangyarihan…” Bigla nga rin niyang naalala ang malakas na enerhiya noong nakaraan na nakikipaglaban sa Eternity, at sa pagkakatanda niya ay bigla na lang nawala ang presensya nito na hindi niya alam kung ano ang dahilan. “Posible ring siya ang may gawa nito… Pero nasaan na siya? May kutob akong isang