ANG MGA TAONG nagtakbuhan ay hindi maiwasang mapatingin sa pinagmulan ng apoy na tumama sa ulo ng mga nilalang na napakalalaki na bigla na lang lumitaw sa lugar nila. Dalawang tao nga ang kanilang nakitang hindi umaalis at makikitang ang isa rito ay babae. May ilan ngang napahinto na tila nais panoorin ang mangyayari, at may ibang hindi nagpahuli para kumuha ng video para i-live sa social media. “Ganito rin ang nangyayari sa Calapan. Tayo na ba ang sunod nilang target?” tanong ng isang tindera na may dalang malaking bilao na may lamang kakanin. “Pero tingnan mo, may dalawa roon na hindi man lang umalis. Parang doon sa babae nagmula ang apoy. Baka sila ang tutulong sa atin. Nakita naman ninyo siguro ang nangyari kanina sa mga pulis at sa mga helicopter? Wala silang nagawa,” sabi naman ng