PAGDATING ni Saber sa kabisera ng Pilipinas ay napaseryoso siya sa itsura ng lugar na ito. Parang bumalik sa alaala niya ang Faladis nang makita ito. Ang dami raw palang matataas na gusali rito at makikita rin ang maraming kalsada mapataas man o sa ibaba. Lumapag nga siya sa isang gusali rito at seryosong tinanaw ang paligid. Ang pinagkaiba nga lang ng siyudad na ito sa Faladis ay ang bilang ng mga tao at sasakyan. Ngayon nga ay ramdam niya ang napakaraming presensya rito na walang-wala sa bilang ng nasa Calapan kung ikukumpara roon. Umupo nga muna siya pansamantala at tahimik na pinagmasdan ang lugar na ito na para sa kanya ay maganda dahil ngayon lang siya nakakita ng ganito mula sa itaas. Umihip ang malakas na hangin at sa pagtingin niya sa ibaba ay kanyang nakita ang isang kalsada na