NAKANGISING pinagmasdan ni Lior ang bumagsak niyang atake. Tuwang-tuwa nga siya dahil sa wakas ay tapos na ang labang ito. Napakuyom nga siya ng kamao at nakaramdam ng kagalakan sa tagumpay na kanyang nagawa. Napatingin nga siya sa natitira niyang Elder na si Russ na kasalukuyang lumilipad sa ere nang oras na iyon. Sapat na nga para sa kanya ang magkaroon ng isang kanang-kamay pagkatapos nito. Ang trabahong ibibigay niya rito ay alam niyang magagawa nito nang mag-isa. “Sa wakas… Masisimulan ko na ang bagong mundo ng mga mutants sa dimensyon ng mga mortal!” sabi ni Lior at hinihintay na lang niyang sumabog ang kanyang atake sa ibaba. Lumulubog na nga ito sa lupa nang bigla na lang itong huminto na sinundan ng malakas na pagkawala ng hangin pataas. Nang mapansin ito ni Lior ay ang kanyang