IMINULAT ng isang bata na nakahiga sa gilid ng isang wasak na bahay ang kanyang mga mata nang naaninag niya ang liwanag ng umaga. Bumangon na siya na parang tinatamad pa at umupo habang naghihikab, at kasabay nga rin nito ay ang pagkalam ng kanyang sikmura. Umaga na naman nga para sa batang si Saber na nakatira sa dulong bahagi ng Faladis, sa lugar na malapit sa labasan papunta sa Graveyard. Pagtayo nga niya ay muli na naman niyang nakita ang tambakan ng basura ng mga natitirang buhay na nilalang dito sa mundo. Dito nga sa lugar na ito sinasala ang mga basura bago dalhin sa labas para itapon. Siya nga, sa munting edad at isang Sediments ay walang ibang ginagawa rito kundi ang mamulot ng basura araw-araw para makahanap ng mga pwede pa niyang pakinabangan. Matapos nga niyang umihi sa gilid