NAGPATULOY ang ganoong pamumuhay ng batang si Saber sa dulong bahagi ng Faladis. Nakita niya roon kung anong klaseng diskriminasyon ang ginagawa ng mga Highers sa tulad nilang mga Sediments. Habang nagpapatuloy ang araw ay nakakakita na lang siya ng mga kalebel niyang tao rito na nagpapatiwakal dahil ayaw sa na nilang ituloy ang kanilang trabaho sa loob ng lugar kung nasaan ang mga Highers. Sila ay ang mga Sediments na nakaranas ng kalupitan mula sa kanilang mga amo na hindi na kaya pa ang ganoong bagay na gagawin sa kanila. Sinamantala nga rin lalo ng grupo ni King ang pagkakaroon nila ng amo na Highers kaya nagkaroon na rin ng kolektahan sa tulad nilang nabubuhay lang sa basura. Ang mga walang maibigay ay binubugbog nila, bata, matanda, lalaki man o babae ay wala talaga silang pinipili.