BANTAY sarado na nga kaagad ng mga superhumans ng mga Eternity ang isang malaking pasilidad na ibinigay sa kanila ng gobyerno. Kahit nga may mga ilang opisyal ang gusto munang gawan ng resolusyon ito ay wala silang magawa dahil sa ang pangulo ang nagbigay ng basbas dito. Isa pa, wala rin silang magagawa dahil sa pwedeng malagay sa panganib ang buhay nila kung ipagpapatuloy nila ito. Naalarma na nga lalo ang ibang bansa nang tanggihan ng Pilipinas ang hiling nila na malaman ang tungkol sa mga superhumans. Ang mas ikinaalarma pa nga ng mga iyon ay nang sabihin ng pangulo nito, na ang bansa ay hindi na kakailanganin ang mga powerful countries pagdating sa mga armas o ano pa mang mga bagay na may kinalaman sa pagpapalakas ng military. Dahil sa pangyayaring iyon, napilitan nga ang USA na nagla