HINDI inaasahan ni Saber na ang plano lang sana niyang pagbisita kina Sandra ay mauuwi sa isang rebelasyo. Sabi nga sa kanya ni Mang Kaloy, na kung papayag ang dalaga ay bukas na bukas ay kakaunin niya ang mga ito. Sinabi niyang siya raw ang magsasanay kay Sandra, at ang naisip nga ni Saber ay ang ituro kung ano ang mga tinuro sa kanya noon ni Augustus pagdating sa pakikipaglaban. Sana nga lang daw ay tumagal ang dalaga dahil kung magrereklamo ito ay hindi na niya itutuloy ang plano niya rito. Si Father Arnel na lang ang kanyang kakausapin kung hindi siya magtagumpay. Isang dahilan nga kaya siya ang nagpresinta sa dalaga ay dahil sa busy si Father sa mga paghahanap nito sa mga bagong kakampi sa kanila. Isa pa, tinuturuan na nito si Flare na hamak na mas may karanasan kumpara kay Sandra… at