ANG MGA narinig ni Saber mula kay Mang Kaloy ay ikinagulat din niya. Kung si Mang Kaloy raw ay matatanggap pa niyang maging taga-pangalaga ng medalyon… Pero ang anak nitong babae? Ano raw ang alam nito sa pakikipaglaban, at bakit sa dinami-rami ng mga tagapangalaga ay ito pa ang pinili ng dating nagmamay-ari ng medalyon ni Datu Puti? Ang medalyon pang nagtataglay ng malakas na kapangyarihan. “Matalik kong kaibigan ang dating taga-pangalaga ng medalyon ni Datu Puti… at sinabi niyang ang susunod na gagamit nito ay ang magiging anak ko… at dapat ay ang lalaki kong anak ito, ang ikalawa ko sanang anak… Kaso, namatay ito at si Sandra na lang ang tanging naging anak ko. Ibig-sabihin, sa basbas ng kaibigan ko ay siya ang tatanggapin ng medalyon sa oras na maisuot na niya ito,” sabi nga ni Mang K