“Ang ganda hindi ba?” wika ni Sandra at tango naman ang sagot ni Saber. Naalala nga niya na sa panahon nila sa hinaharap ay walang totoong ulap sa langit. Puro artipisyal lang ang kanilang gamit doon dahil sa tunay na atmospera ng mundo, ay matagal na itong wala, o kung mayroon man, kadalasan ay isa na itong malaking bagyo. “Kaso, may kailangan pa nga pala tayong hanapin,” sabi naman nga ni Saber na bigla na muling kumaripas ng lipad na agad na hinabol ni Sandra. Ilang minuto nga ay narating na nila ang itaas ng Halcon at ngayon ay kitang-kita nila ang napakalawak na sakop nito. Ang tanong nga lang ay saan nila hahanapin ang lagusang sinabi ni Datu Puti. Lumapag nga ang dalawa pababa, at nasa ibabaw sila ng isang damuhan na nasa mataas na bahagi noon. May mga ulap nga rin na nakadikit sa