NAGING tahimik pansamantala ang lumipas na gabi nang araw na magpakita si Lior. Pero sa kabila nito ay may ilang mga kabataang mortal na ang nadala ng mga Mutants sa kabilang dimensyon para sa mga plano nila. Dahil nga rin sa nawasak ang electric plant ng probinsya ay walang naging kuryente ang bawat bahay rito. Isama pa ang mga mahahabang pila sa mga gasolinahan para sa magiging pansamantalang supply ng elektrisidad ng mga bahay na may generator. Ang mahirap din sa mga ito ay hindi pa rin makapunta rito ang mga nagmula sa National Agencies. Ang tanging nagawa ng mga kinauukulan ay ang humingi ng tulong mula sa Visayas dahil may intel na nagsabing tuloy pa rin ang byahe sa pantalan sa southern part ng Mindoro. Doon na nga rin ang naging ruta ng mga pwersang militar at pulisya para pasukin