ANG MGA pinakawalang napakaraming bola ng itim na enerhiya ay sinimulan na nga ni Lior na pabagsakin, na sinabayan din niya ng pagngisi sa bulag na kanyang kalaban. Sa oras daw kasi na gumawa na ito ng paraan para pigilan ang kanyang mga atakeng ito, ay doon na siya sasalisi ng atake laban dito. Titingnan niya pa kung kaya ba nitong pagsabayin ang pagliligtas sa iba at pakikipaglaban sa kanya. Kumawala na ang malakas na hangin mula sa kalangitan at bumulusok na nga nang tuluyan ang mga bagay na iyon. Ang mga nasa malayong mutants naman na wala sa labanan ay nakaramdam kaagad ng takot sa kanilang nasaksihan sa isang malayong bahagi mula sa kabayanan. Parang may mga babagsak na mga bulalakaw roon at ang iba nga sa kanila ay parang gusto na lang ding umalis sa lugar na ito para iligtas ang k