WALA ngang kamalay-malay sina Father Arnel na muli na naman palang pumasok sa Calapan ang mga mutants mula sa dimensyon nila. Subalit iba na ito ngayon, kumpara sa ginawa ni Lior noong mga nakaraang araw. Wala ang mga itong gagawin at magmamasid lang sa paligid dito. Narito nga ang limang Elders sa bago nilang katawan na masayang-masaya dahil bata na muli ang kanilang mga sarili. Sila na nga ngayon ang nagmamay-ari ng katawan ng limang Elites na ginamit ni Lior kagabi at hindi na nga sila makapaghintay na subukan ang lakas nila sa ganitong katauhan. “Saan ka pupunta Landro?” tawag nga ng Elder na si Kram na nasa katawan na ng Elite na si Zendo. “Mamamasyal lang ako… Isa pa, may gusto akong mahanap,” sabi naman nga ni Landro na marahan pang pinapalagutok ang kanyang kamao. Ang katawan ng