TATLONG ARAW ang lumipas, at mula sa loob ng silid ni Lior ay makakaramdam ng napakalakas na enerhiyang nagnanais na kumawala. Damang-dama ito sa buong Mutants’ Dimension at ang mga Elders nga na nasa pribado nilang pasilidad ay agad na lumipad para puntahan ang kanilang panginoon nang maramdaman ito. Kumawala na nga lang napakalakas na hangin dahil sa bilis ng paglayo ng mga ito. Ang buong dimensyon nila ay nayayanig nga rin nang mga oras na iyon na naging dahilan upang ang mga mamamayan nila rito ay maalarma sa nangyayaring ito. Mula nga sa loob ng silid ni Lior ay makikita ang isang matandang nakahiga sa isang kama. Nang imulat nito ang kanyang mga mata ay makikita ang pagliliwanag nito ng itim. Para itong isang nakakatakot na halimaw kung pagmamasdan. Sa pagbangon nga nito ay siya na