NAPAKUYOM na lang ng kamao si Mad nang maramdaman ang pagdating ng isang Elder mula sa itaas. Hindi niya ito napansin kanina at mukhang may ginawa ito upang hindi nila malamang narito na ito. Pagdating naman nga kay Flare ay hindi na siya nagulat na makita ito dahil alam na ito ni Saber. “Hindi ito maganda,” sabi niya at nang lumapag sa ibaba si Landro ay mabilis niyang pinahinto ito gamit ang kanyang kapangyarihan… Ngunit nawasak lang ito gamit ang pisikal na lakas nito na may kasamang pambihirang enerhiya. “Kayo pala ang mga sumusubok kaming labanan… At narito ka rin pala Wyze,” sambit pa ng ni Landro na biglang kumuyom ang kamao. Dito naman na naalarma si Father Arnel at inisip ang mangyayari sa mga taong naninirahan dito. Wala kasing pakialam ang mga kalaban nila kung ilang tao ang