RHIAN Sa sobrang pag-aalala ko kina Ehran at Omaku, sinubukan kong bumalik sa plaza para sana saklolohan sila. Pero nagtaka ako kung bakit hindi ako makaalis dito sa bakuran ng chapel. Na para bang may matigas na bagay ang humaharang, na sa tuwing sinusubukan kong lumagpas ay nabubunggo ako. Kinapa-kapa ko ang paligid ng chapel na kinatatayuan ko. Meron nga akong nakakapa na harang na hindi ko maipaliwanag kung ano. Basta parang matigas ma bagay na bumubunggo sa katawan ko. Pero hindi naman nakikita ng mga mata ko. Mayamaya'y nakita ko sina Matet at Suzaine na papadaan dito sa chapel. Palinga-linga sila sa paligid na para bang hinahanap ako. At saka napansin kong hindi na sila naka-scool uniform sila. Naka-casual outfit na sila. Eh, sa susunod na araw pa naman ang civilian day namin.

