RHIAN Magka-holding hands kami ni Ehran na sumusunod kina Omaku, Casper, at Barok. Nasa gitna ng plaza ang tirahan nila. Para sa mga normal na tingin ang gitna ng plaza na iyon ay napapalibutan ng carabao grass at may malaking statue ng ama ni Supreme Anna na siyang may-ari nitong Greenwood University. At sa likod ng estatwang iyon ay ang flagpole. Sa paligid naman ng plaza ay may mga bench. Pero lihim sa lahat, sa likod ng kasimplehang iyon ng plaza ay ang malaking gusali na halos yari sa ginto at pilak. Iyon ang parang headquarters ng mga White Kampflens dito sa Greenwood University. Sa tapat ng malaking building ay ang malawak na garden na may naglalakihang puno at nagagandahang bulaklak. Sa paligid ng malaking building ay naroon ang tirahan ng bawat White Kampflens na dito nakadestin

