RHIAN "Paano mo naman nasabi, Omaku, na ako ang hinahanap nina Aeshma?" tanong ko sa kapre. Actually, naitanong na ito ni Ehran kay Omaku pero inulit ko pa rin. Alam kong katulad ko ay kinilabutan din si Ehran sa sinabi ni Omaku. "Kasi napansin ko na ang una nilang pinuntahan ay ang classroom mo," sagot ni Omaku. "Tapos sunod din nilang pinuntahan ang mga lugar na madalas mo ding puntahan." "Baka naman nagkataon lang, Omaku." I admit na medyo nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Omaku. Opinyon lang naman pala niya 'yon. "Kasi bakit naman ako ang hahanapin nina Aeshma, 'di ba?" "Are you sure, kaibigan, na classroom ni Rhian ang una nilang pinuntahan ni Aeshma?" tanong ni Ehran kay Omaku. Mukhang kabaligtaran ko ay hindi pa napanatag ang loob ng boyfriend ko. Tumango si Omaku haban

