RHIAN "Are you sure ma hindi kayo sasama sa amin ni Ehran?" paulit-ulit ko na tanong kina Matet at Suzaine. Magla-lunch kasi kami ni Ehran sa labas dahil nagkataon na sabay ang lunch break namin at almost one hour din. Kaya napag-usapan namin ng boyfriend ko na sa labas na kumain. "Huwag na, fem. Thanks na lang," sagot ni Suzaine sa nanunuksong boses. Pati ang mukha niya ay obvious na obvious ding nanunukso. "Baka kasi makaistorbo pa kami sa date n'yo, eh." Natawa na lang ako sa kakulitan ni Suzaine. Pero alam ko na masayang-masaya siya para sa amin ng pinsan niya. Actually, si Suzaine ang unang natuwa nang malaman niyang nagkaayos na kami ni Ehran. At naging mag-boyfriend pa. Kahit si Supreme Anna, na tinatawag ko na ngayong 'Tita Anna', tuwang-tuwa rin sa relasyon namin ni Ehran. Fee

