EHRAN Kahit hindi ko nakikita ang buwan at mga stars, para ko na rin silang nakikita ngayon. Wala kasing kasawaan si Rhian sa pagkukuwento sa'kin. Nandito nga pala kami ngayon sa malawak nilang garden. Magkatabi kaming nakahiga habang "nag-i-stargazing". May isang linggo na rin simula nang official niya akong ipinakilala sa parents niya bilang boyfriend niya. Like her mom, masaya rin ako na nagkita kami ulit. And after all these years, ngayon lang ako nakapag-thank you nang maayos sa Mommy 'Doctor Miracle' ni Rhian. Pati na rin si Daddy ng nobya ko. At masaya rin ako lalo na tanggap ako ng parents ni Rhian para sa kaniya. May tiwala raw sila sa'kin na alam ko ang limitations. Kaya pinagayan nila kami na mag-date dito sa garden. "Nakakita ka na rin ba ng mga anghel, Ehran?" Sandali

