EHRAN "Nang bata pa ako, madalas ikuwento sa'kin ni Mommy Rhian na noong bata raw siya hanggang magdalaga, nakabukas na ang third eye niya," pagkukuwento ko kay Rhian. "Halos lahat daw ng iba't ibang uri ng nilalang na hindi kayang isipin ng tao na nag-i-exist, nakita na ni Mommy." I know her eyes widened. For sure, hindi siya makapaniwala sa narinig. Well, mahirap nga naman talagang paniwalaan, 'di ba? "Really, Ehran? Gan'on kalakas, I mean, kabukas ang third eye ng Mommy mo?" Tumango ako. "Oo gan'on karami ang nakikita niya. Mag-mention ka ng isang out-of-the-world creature na sa tingin mo ay mahirap paniwalaan na nag-i-exist sa mundo natin. Let's see kung nakita na siya ng Mommy Rhian ko." Narinig kong parang nag-isip muna si Rhian. Parang naiimagine kong nakapangalumbaba siya at na

