EHRAN I can't help but to smile habang pinapakinggan si Rhian na kumakanta ng old song but with new rendition ng kanta na It Might Be You. While listening to her, parang may mainit na bagay ang humahaplos sa puso ko. Kahit hindi ko na ulit napapanaginipan ang parehong panaginip namin noon ni Rhian, sobrang familiar pa rin ng feelings kapag naririnig ko ang kanta. Lalo akong naiinlove kay Rhian. The same feeling, o sumobra pa, na naramdaman ko nang una ko siyang makita noong mga bata pa kami. Naramdaman kong napapiksi si Rhian nang bigla ko siyang akbayan. Magkatabi kaming nakaupo ngayon dito sa gilid ng seaside sa Mall of Asia, habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hanging hatid nang malawak na karagatan. "Dati kapag pumupunta kami dito nina Mommy at Daddy, noong bulag pa lang ak

