RHIAN "Ako ang ngangailangan sa anak mo, Misis," mahinahong sabi ni Tita Matilde sa mama ni Maya na si Tita Clarita. "I bad need her help for my daughter. She's in coma rihght now. Pero ang totoo, nasa ilalim ng demonyo ang kaluluwa niya kaya hindi ito makabalik sa katawan niya." "Tama ho ako, Mama," parang nahihintakutang saad ni Maya at saka niya ako hinarap. "'Di ba sinabi ko sa inyo minsan na may mga demonyong pakala-kalat sa campus. Wala akong power pero ramdam ko sila. At iba ang kutob ko talaga sa parehong nangyari kay Katie at sa isa pang babae noon." "At hindi lang basta mga demonyo, hija." Sagot ni Father Florencio. "Mga malalakas na demonyo na hindi ko kayang talunin." "Dahil posible n'yong ikamatay," masama ang loob na sabi ni Tita Clarita. "Kaya ang anak ko ang isasakripis

