RHIAN "Magandang gabi ho!" halos sabay-sabay na bati namin sa medyo matanda ng lalaki, although sobra kaming nahihiwagaan sa sinabi niya. "Itatanong lang po sana namin kung dito ba nakatira si Maya." Isa-isa kaming tiningnan ng lalaki. Parang binabasa niya ang hilatsa ng mga pagmumukha namin. Pero nakita ko ang parang pag-aliwalas ng mukha ng lalaki nang makita si Father Florencio. Marahil ay dahil nakasuot siya ng pang-pari. Pinasadahan ulit kami ng tingin ng lalaki. Napansin kong tumagal ang mga mata niya sa akin. Titig na titig siya sa'kin na para bang binabasa pati ang kalooban ko. Hindi ko kayang tagalan ang parang nagdududang tingin ng lalaki. Nakaramdam ako ng takot at pagkailang kaya napasiksik ako kay Ehran. Kaagad naman niya akong inakbayan at hinigit palapit sa kaniya. "Rhi

