RHIAN Mula sa walang hanggang kadiliman ay bumagsak ako sa maliwanag na lugar. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala akong makitang tao. Naglakad-ako nang naglakad na hindi alam kung saan pupunta. Malayo na ang narating ko ngunit tila iisang lugar lang nadadaanan ko. Mayamaya'y napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ako ng mga boses, na tila nag-uusap. "A-anong sinabi mo...mahal? G-gusto mong tapusin na natin ang relasyon natin?" Napakunot noo ako nang maging pamilyar sa akin ang boses na 'yon. That was mine. Gan'on na gan'on ang boses ko noon sa panaginip ko. "Ano bang nangyari sa'yo at gan'on na lang kadali para sa'yo ngayon ang sabihin `yan? Anong nangyari sa promise mong handa ka na mag-stay dito sa lupa para sa akin?" Lalong nabalot ng pagtataka ang mukha ko. Si Ehran ba

