RHIAN Nagising ako sa parang mainit na paligid, na para bang nakasalang ako sa apoy. Pakiramdam ko ay init na init ako kaya pilit kong idinilat ang mga mata ko. Nagulantang ako nang ibang kapaligiran ang sumalubong sa akin. Mabilis akong napatayo para sipatin ang buong paligid. Parang tinambol sa malakas na pagkabog ang dibdib ko nang malamang napapalibutan ako ng apoy. Kaya pala init na init ang pakiramdam ko. Wala akong makitang mga tao sa paligid bukod sa mga maiitim na usok nagpapalipad-lipad sa hangin ng mga oras na 'yon. "Hello! May tao po ba diyan?!" Malakas na sigaw ko. Umecho ang boses ko kaya malamang ay nasa malaking building ako o kaya ay nasa isang tunnel. "Hello! Sino po ang nandiyan? Ehran?! Zephyr?! Rinalyn?!" Ilang beses pa akong paulit-ulit na sumigaw. Parang mapupuni

