Napatayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig nang matanaw ang halos one and half hour ko ng inaantay. Si Ehran. Dahil nga lagi niya akong iniiwasan kaya nagdesisyon akong abangan siya sa labas ng classroom niya. Sadyang hindi ako pumasok sa isang subject ko para lang makausap siya. Hindi na ako makatulog hangga't di kami nagkakaharap. Hindi ko napigilan ang mapangiti habang tinitingnan si Ehran na palabas ng classroom, na para bang normal lang. Ni hindi nakabawas sa kumpiyansa niya sa sarili ang hawak-hawak na tungkod. Ang guwapo-guwapo pa rin ng "dream boyfriend" ko. Pasimple kong inayos ang sarili at nagspray ng konting pabango, bago lumapit kay Ehran. Though, hindi niya makikita, inihanda ko pa rin ang pinakamatamis na ngiti. Kaso, `agad na nabura ang ngiting iyon ng makita ko ang b

