RHIAN "Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa Diyos kung bakit Niya ako pinaparusahan ng ganito. Kung bakit kelangan Niyang iparamdam sa akin ang bawat hirap at sakit ng... nag-iisa." Naaawang tinapik-tapik ko ang likod ni Ehran, nang magsimula siyang ikuwento ang mga pangyayari sa buhay niya. Nakaupo kami ngayon dito sa bakanteng lote ng Greenwood University, pagkatapos ko siyang mapapayag na mag-usap kami. Nope. Actually, okay na kami ni Ehran. After naming ikuwento sa isa't isa ang halos iisa naming panaginip. At iisa rin ang naging reaksiyon namin: Amazement. Sa ngayon, "iisang mata" pa lang ang dahilan kung bakit pareho naming napapanaginipan ang isa't isa. Napagkasunduan naming puntahan si Father Florencio, bago kami umuwi mamaya, na napag-alaman kong matalik din palang kaibig

