RHIAN Pagkalabas namin ng school ni Ehran, dumiretso na kami ng Quiapo church para puntahan si Father Florencio. Pero kadadating pa lang namin sa simbahan nang makasalubong namin si Father Florencio na nagmamadaling lumabas. May dalawa siyang kasamang may edad ding mga lalaki na kilala kong deacons dito sa simbahan. "Magandang hapon po, Father Florencio!" sabay naming bati ni Ehran sa pari. Nagulat siya. Siguro dahil magkasama kami ni Ehran. Hindi niya pa niya alam na magkakilala kami. "Rhian! Ehran! Anong ginagawa n'yo rito?" "May mga itatanong lang ho sana kami, father," si Ehran na ang sumagot. "Marami pong mga bagay-bagay ang magulo at hindi namin kayang i-explain ni Rhian." Malungkot na umiling si Father Florencio. "Pasensiya na, mga anak, pero puwedeng sa sunod na araw na lang

