RHIAN "Come. Ipapakilala ko kayo kay Ehran." Binalingan ako ni Suzaine. "Para magkakilala kayo ng maayos. Perfect time ngayon dahil wala kayong kaagaw na mga fans ng cousin," sabi ni Suzaine sa tonong nagbibiro. Hindi na kami nakatanggi ni Matet nang hilahin na kami ni Suzaine papunta kay Ehran. Sabagay, game na game naman si Matet, eh. Game na game siyang makilala si Ehran. And for sure, para tuksuhin ako. Samantalang ako, palakas nang palakas ang kabog ng dibdib habang papalapit kami kay Ehran. I'm worried, and at the same time, I'm scared na baka sungitan na naman niya ako. "Relax ka lang, bestie. Obvious ka masiyado," pabulong na tukso sa akin ni Matet. "Namumutla na pati ang batok mo, o." Tinampal ko si Matet, at doon ko naramdaman na pati mga kamay ko ag nanginig na rin. "Sira k

