RHIAN Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Hindi ko alam pero sobra akong na-excite na makita si Ehran. Miss na miss ko na siya na hindi ko maintindihan kung bakit. Siguro kasi, for the first time, hindi ako dinalaw ni "Ehran" sa dream ko. Kahit sina Mom and Dad ay nagtaka rin. Biniro pa nga nila ako na baka raw nakipag-break ns sa akin si 'Ehran'. Pero hindi ko masiyadong dinibdib. Promise. Kasi alam kong makikita ko today ang bagong "Ehran" ng buhay ko. At alam kong maaga ngayon ang pasok niya. Narinig ko kahapon na sinabi niya kay Suzaine. Naging chismosa lang ako sandali. Pagpasok pa lang ng gate ng Greenwood University ay magagandang ngiti na 'agad ang isinalubong sa akin ng mga guwardiya. "Good morning, Ma'am Rhian. Baka naman po puwedeng magpa-picture. Pang Photo of the Day ko

